Japan, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Ishinomaki sa Japan.

Naitala ang pagyanig sa 255 kilometers East Southeast ng Ishinomaki sa east coast ng Japan ayon sa US Geological Survey (USGS).

Sa karagatan naitala ang epicenter ng lindol.

Ayon sa meteorological agency ng Japan, may lalim na 10 kilometers ang lindol pero sa halip na 6.3 sa record ng USGS, mas mababa na magnitude 6.0 ang kanilang naitala gamit ang local seismic recording equipment.

Samantala, wala namang inilabas na tsunami warnings ang Pacific Tsunami Warning Center dahil sa lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...