1 pang sundalo, nagbuwis ng buhay sa bakbakan sa Marawi

Joshua Morales | Radyo Inquirer correspondent

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na giyera sa Marawi City.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Major General Resituto Padilla na isa pang sundalo ang nagbuwis ng buhay umaga ng Biyernes (Oktubre 6, 2017).

Dahil dito, nasa 156 na ang bilang ng mga nasawi mula sa hanay ng pamahalaan.

Namatay aniya ang sundalo matapos matamaan ng sniper mula sa teroristang Maute group.

Nanatili naman sa 753 ang bilang ng mga nasawi mula sa teroristang grupo.

Ayon kay Padilla, sa ngayon nasa pito hanggang walong ektarya na lamang ang lugar na nagkakabakbakan ang dalawang grupo.

Aabot pa sa 40 ang bihag ng mga terorista.

Ayon kay Padilla, nasa 40 hanggang 50 terorista na lamang ang nakakalaban ngayon ng militar.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...