Simbahan, pinaghihinay-hinay ng Palasyo sa pagbibigay ng protesksyon sa mga pulis na magbubunyag sa EJK sa bansa

Pinaghihinay-hinay ng Palasyo ng Malakanyang ang Simbahang Katolika sa pagbibigay proteksyon sa mga pulis na nakahandang magsiwalat sa nagaganap na extra judicial killings sa bansa.

Ayon Assistant Presidential Spokesperson China Jocson, welcome sa Palasyo ang hakbang ng Simbahan pero dapat aniya silang mag-ingat sa posibilidad na magamit lamang ito ng mga tiwaling pulis na sangkot sa iba’t ibang ilegal na gawain.

Sa panig naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Major General, umaasa ang kanilang hanay na magiging maingat ng husto ang Simbahan.

Una rito, sinabi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ilang pulis ang lumapit na sa kanila at humingi ng proteksyon para isiwalat ang anila’y EJK sa bansa.

Read more...