Hindi naging maganda ang kapalaran ng isang 26 na talampakang sawa matapos makipagbuno sa isang security guard sa Batang Gansal sa Indonesia.
Bagama’t sugatan, buong tapang na nakipaglaban ang security guard na kinilalang si Robert Nababan at napatay ang malaking sawa.
Nakaligtas si Nababan sa kabila ng tinamong malalalang mga sugat kabilang na ang pagkakabaon ng isa sa mga pangil ng sawa sa kanyang braso.
Gayunpaman, hindi natatapos sa pagkamatay ng sawa ang kapalaran nito matapos itong chopchopin, iprito at kainin ng mga lokal na residente.
Ayon sa isang nagngangalang Elinaryon, isang opisyal ng Batang Gasal district, natural na natatagpuan ang mga Giant Phytons sa bahaging ito ng Indonesia sa ganitong panahon.
Marami anyang mga daga sa mga planta ng palm oil kung saan natagpuan ang sawa dahilan ng paglabas ng mga ito.
Ibinabala naman ni Elinaryon na hindi tama para sa mga tao na makipaglaban sa mga malalaking sawa dahil kapag nagalit ay talagang lumalaban ang mga ito.