Ayon kay Poe, bagaman nababahala siya sa hindi magandang epekto ng paglaganap ng fake news, hindi rin naman siya magiging pabor sa anumang panukala na hahadlang naman sa karapatan ng mga tao na maghayag ng sarili nilang damdamin.
Paliwanag ni Poe, nais niyang makabuo ng batas na magpapatindi sa parusa para sa cyber libel dahil sa fake news, at gagawing criminally liable ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno sa pagpapakalat ng fake news.
Aniya, natatapos ang freedom of expression sa pagsisimula ng libel.
Kaya naman sa pagbuo ng isang espesyal na batas, magiging mainam na gawing public policy na ituturing ang fake news bilang malum prohibitum offense.
Matatandaang pagkatapos ng pagdinig ng Senado tungkol sa fake news, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya hahayaang makalusot ang anumang batas laban dito dahil lalabag ito sa freedom of speech and expression.
Gayunman, iminungkahi niya na lang na mas patalimin ang ngipin ng batas kaugnay sa libel at slander.