Ito ay alinsunod sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas palalawigin pa ang pakikipagkaibigan at alyansa ng bansa sa US.
Noong nakaraang linggo lamang ay nakipagpulong si Año kay US Pacific Command Chief Admiral Harry Harris sa Hawaii.
Anya, nananatili pa rin ang Estados Unidos bilang numero unong kaalyado ng Pilipinas at palalakasin pa ang military exercises ng dalawang bansa sa 2018 matapos itong mabawasan ngayong taon.
Nakapokus anya ang joint execises sa counter-terrosism, disaster response at maging sa territorial defence.
Gayunpaman, tiniyak naman ng pinuno ng AFP na palalawigin pa rin ng Pilipinas ang relasyon nito sa China.
Sa turnover ceremony ng mga armas na ibinigay ng China sa Philippine Military, sinabi ni Año na hindi kaaway ng bansa ang US o ang China.
Mas mahalaga anyang iprayoridad ang interes ng bansa.