Inanunsyo na ng Volunteers Against Crime and Corrupton (VACC) ang plano nilang pagsasampa ng kasong impeachment laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Martes.
Ito’y matapos din sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na balak niyang kasuhan ng impeachment sina Ombudsman Morales at Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Manuelito Luna ng VACC, mayroon silang hawak na tatalong grounds para hilingin ang pagpapatalsik kay Morales.
Ito aniya ay ang betrayal of public trust, graft and corruption, at posibleng paglabag sa Konstitusyon.
Naniniwala ang grupong kalayado ni Pangulong Duterte na pinayagan ni Morales si Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang na isulong ang imbestigasyon sa umano’y mga tagong yaman ng pangulo.
Samantala, kahapon naman ay nakitaan ng House Committee on Justice na mayroong sufficient grounds ang impeachment case laban kay Sereno.