Bukod sa sampung nasawi, hindi bababa sa apatnapung iba pa ang nagtamo ng mga sunog sa iba’t ibang bahagi ng katawan resulta ng insidente.
Sa inisyal na ulat, biglang pumasok sa Innocent Children’s People Municipal Education Center sa Janauba, Minas Gerias, southern Brazil ang suspek na guwardiya.
Dito na agad na binuhusan ng suspek ang mga bata sa loob ng paaralan at ang kanyang sarili ng gasolina bago sinilaban ang mga ito.
Matapos maapula ang sunog, agad na dinala ang mga biktima sa pagamutan.
Habang nasa ospital, tuluyang binawian ng buhay ang mga biktima.
Sa ospital na rin nasawi ang suspek na guwardiya matapos isagawa ang karumal-dumal na krimen.
Hinihinalang ang pagkakatanggal umano ng suspek na guwardiya sa trabaho ang naging dahilan ng panununog nito sa paaralan at sa mga biktima.