Ito ay kasabay ng pagkundena ni Pimentel sa pagpatay ng riding in tandem kay Puerto Galera, Oriental Mindoro Councilor Melchor Argo at sa anak nitong 15-taong gulang.
Sinabi ni Pimentel na ito ay panibagong kaso ng usual na modus operandi ng riding in tandem na hindi pa rin malutas-lutas hanggang ngayon ng pulisya.
Iginiit ng opisyal na patuloy ang mga kriminal sa kanilang gawain dahil sa inutil ang pulisya na masawata ang mga ito.
Sa tala ng PNP, nasa 6,225 na ang drug-related deaths simula noong July 2016 hanggang September 2017 na kinabibilangan ng 2,290 cases na DUI o death under investigation.
Binigyang-diin ni Pimentel na ang mataas na bilang ng unresolved deaths under investigation ay hindi katanggap-tanggap.