Botohan sa bawat “impeacable acts” iginiit ng kampo ni Sereno sa Kamara

Iginiit ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na kailangang isa-isang pagbotohan ang mga acts na nakasaad sa reklamong impeachment case laban sa Punong Mahistrado.

Ayon kay Atty. Josa Deinla, tama lamang ang panukala nina Albay Rep. Edcel Lagman at Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao sa pamamagitan nito makikita kung gaano kahina ang reklamo maging ang kakulangan sa ebidensya.

Sa pamamagitan din nito ayon kay Deinla malalaman ng komite na hindi nangangahulugan na impeachable offense ang mga ibinibintang kay Sereno.

Nanindigan din ito na bukod sa insufficient grounds, wala rung impeachable offense na ginawa ang punong hukom.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Atty. Larry Gadon nng paglabag sa Saligang Batas, betrayal of public trust, koraosyon at iba pang high crimes kasama ang hindi tamang deklarasyon sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.

Read more...