Steven Seagal hinamon ng boksing ni George Foreman

AP

Hinamon ni dating boxing heavyweight champion George Foreman ang aktor at Aikido master na si Steven Seagal.

Laman ng Twitter post ng 68-anyos na si Foreman ang kanyang hamon sa 65-year-old na si Seagal

“I challenge you One on one, I use boxing you can use whatever. 10 rounds in Vegas”, ayon sa mensahe ng dating boxer.

Nang tanungin ng ilang mga fans bakit gustong makalaban ni Foreman si Seagal ay sinabi nito na sa tingin niya ay mayroon talagang ibubuga sa actual fight ang aktor at hindi lamang ito puro porma.

Matagal na hinawakan ni Foreman ang pagiging heavyweight champion sa iba’t ibang mga boxing organizations mula 1973 hanggang 1994.

Sinabi naman ng kampo ni Seagal na hindi nila papatulan ang mga parinig ni Foreman.

Naniniwala naman ang ilang mga obervers na gumi-gimik lamang si Foreman makaraan ang matagumpay na labanan sa pagitan ni Floyd Mayweather at Conor McGregor.

Read more...