Muling nagkaloob ng mga bagong armas ang China para sa Pilipinas na makatutulong ng malaki sa military forces ng pamahalaan.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, malaking tulong ito para sa fire fighting capability ng Armed Forces of the Philippines (AFP) lalo na sa Marawi at ibang lugar na may operasyon ang militar.
Huwebes ng umaga nang isagawa ang hand over sa Camp Aguinaldo ng nasa 3,000 na mga M4 rifles, 3 million rounds ng assorted ammunition at 30 sniper scopes.
Nagkakagalaga ang mga armas at mga bala ng aabot sa $22 million.
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) October 5, 2017
Samantala, sa kanyang talumpati, tiniyak naman ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua ang commitment ng China sa pagtulong Pilipinas.
Sinabi nya rin na bukod sa pagbibigay ng firearms ay tutulong din sila sa rehabilitation at reconstruction ng Marawi.
Pinuri rin ng Chinese ambassador ang matapang na pamununo ni Pangulong Duterte at ang istilo nito sa paglaban sa terorismo.
Sa kabuuan aabot na sa P5.5 billion na ang tulong na naipaabot ng China sa Pilipinas.