Impeachment complaint vs Sereno, may sapat na grounds – house justice panel

Nakitaan ng house committee on justice ng sapat na grounds ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa botong 25-2, idineklara ng komite na may sapat na grounds para naman alamin kung may probable cause sa reklamo sa punong mahistrado.

Ayon sa komite tama ang apat na grounds na inilagay ni Atty. Larry Gadon sa kanyang reklamo.

Pinagbasehan ng mga grounds sa impeachment ang 27 acts na ibinibintang kay Sereno.

Bago pagbotohan kung may sapat na grounds sa reklamo laban punong hukom iminungkahi ni Albay Rep. Edcel Lagman na pagbotohan isa-isa ng komite ang mga acts na sinasabing nilabag ni Sereno.

Pero, sabi ni Mindoro Oriental Rep. Doy Leachon, magpapatagal lamang ito sa pagdinig bukod pa sa hindi naman miyembro ng komite si Lagman.

Sinang-ayunan naman ni Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao ang mungkahi ni Lagman kung saan nagbigay siya ng sariling mosyon ukol dito.

Ayon naman kay Umali, wala pa sila sa punto ng pag-alam kung may sapat na basehan upang litisin si Sereno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...