Dalawang Pinoy ang kabilang sa 244 na mga dayuhan na hawak ngayon ng US Immigration at Customs Enforcement unit o ICE dahil sa paglabag sa US Law.
Isa sa mga nahuli ang isang 31 na Pilipino na dati nang nahatulan sa kasong battery o pambubugbog at felony burglary.
Nadakip ang suspek sa Los Angeles noong August 24.
Ang isa naman ay 39 taong gulang, na dati na ring nahatulang guilty sa mga kasong battery, petty theft felony burglary at paggamit ng droga na naaresto sa Moreno Valley noong Linggo.
Ayon kay Lori Haley, tagapagsalita ng ICE Public Affairs inihahanda na ang removal proceedings laban sa dalawang Pilipino.
Sa kabuuang bilang ng mga naaresto, 191 ang mga Mexicans samantalang ang iba ay nagmula sa Ghana, France, Peru, at Thailand.