Batas para sa pagtitipid ng tubig inihirit ng mga water concessionares

angat2
Inquirer file photo

Iminungkahi ng mga water concessionaires na Manila Water Company at ng Maynilad Waters Corporation sa mga lokal na pamahalaan na magpasa at magpatupad ng mga ordinansa kaugnay ng pagtitipid ng pagamit ng supply ng tubig dahil sa malakas ng epekto ng El Nino phenomenon sa malaking bahagi ng bansa.

Sa isang press conference sa Maynila, iginiit ni Engineer Ronald Padua , Water Supply Operations Head ng Maynilad na malaki rin itong tulong upang makatipid ng kuryente bunsod na rin ng kinakaharap na problema ng El Nino.

Ayon naman kay Dittie Galang, Media Planning Development and Technical Department Officer ng Manila Water, nag umpisa na silang magbawas ng mga nasasayang na tubig sa pamamagitan ng pagkukupuni sa mga tagas o butas ng tubo at kalkuladong pag manage ng pressure ng tubig kapag off peak na mga oras.

Kaugnay nito, bagaman kagabi ay umulan ng malakas, malaki sana itong tulong kung ang malakas na buhos ng ulan ay tumama sa ilang mga dam dito sa luzon upang makatulong sa pagdaragdag ng supply ng tubig.

 

Read more...