PNP dapat alisin na sa kontrol ng DILG ayon kay VP Binay

PNP-HQ
Inquirer file photo

“Dapat nang alisin sa pangangasiwa ng Department of Interior and Local Government at ilagay sa direct control ng Office of the President ang Philippine National Police (PNP)”.

Ito ang nakikitang solusyon ni Vice-President Jejomar Binay para masolusyunan ang ayon sa kanya ay lumalalang antas ng kriminalidad sa ibat-ibang panig ng bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, ipinaliwanag ni Binay na sayang ang P16-Billion na budget ng DILG dahil hindi naman nito nabibigyan ng proteksyon ang ating mga kababayan laban sa mga elementong criminal.

“Dahil abala ang kalihim ng DILG sa maraming trabaho dapat lamang na alisin na sa kanya ang pagma-manage ng PNP para mas maging kapaki-pakinabang siya sa loob ng pmahalaan”, ayon sa Pangalawang Pangulo.

Nanawagan din sa administrasyon si Binay na imbestigahan ang mga kaso ng pagpatay sa ilang kasapi ng Indegenous groups na madalas i-ugnay sa komunistang grupo. Ayon kay Binay.

“ang hirap sa ating pamahalaan panay ang deny sa mga ganitong uri ng balita, imbes na itanggi dapat ay alamin at imbestigahan muna nila ang katotohanan”.

Minaliit din ni Binay ang survey na kinumisyon ng Liberal Party kung saan ay lumamang sa kanya ng malakig puntos si DILG Sec. Mar Roxas. Sagot ng Pangalawang Pangulo sa naturang survey, “Baka gawa-gawa lang nila yun”.

Read more...