Pagpapatupad ng gun ban ipinatigil na ng PNP

Inihinto na ng Philippine National Police ang pagpapatupad ng gun ban sa buong bansa.

Ito’y makaraan nilang matanggap ang kautusan mula sa Commission on Elections na nag uutos na itigil na ang gun ban.

Paliwanag ni Superintendent Vimellee Madrid, deputy spokesperson ng PNP, may kabuuang 52 katao ang naaresto at 47 firearms ang nasabat ng mga otoridad sa tatlong araw ng pagpapatupad nila nito.

Kanya namang sinabi na kahit tanggalin ang na ang gun ban ay magpapatuloy pa rin ang anti-criminality checkpoint ng PNP.

Samantala, korte naman daw ang bahalang magdesisyon sa kaso ng mga naaresto dahil sa paglabag sa COMELEC Gunban.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 10952 na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong Oktubre.

Nakasaad sa bagong batas na “hold-over” o mananatili sa posisyon ang mga nakaupong Barangay at SK officials maging ang mga barangay officials na naitalagang ex-officio official sa Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan.

Read more...