Duterte handang magpabaril kapag hindi tumaas ang sweldo sa AFP

Inquirer photo

“Hanapin nyo at barilin ninyo ako”.

Ito ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo kung hindi pa magiging doblado ang kanilang sweldo sa Enero ng taong 2018.

Ayon sa pangulo, bukod sa dobleng sweldo, makatatanggap din ng christmas bonus ang mga sundalo.

Sa ngayon, sinabi ng pangulo na kailangan niya ng dagdag na dalawampung libong sundalo.

Tiyak din aniyang maraming sundalo ang magbubuwis ng kanilang buhay dahil pinaigting na ng pamahalaan ag kampanya laban sa rebeldeng New People’s Party.

Magugunitang sa pag-upo pa lamang ng pangulo sa kanyang pwesto ay kanya na ring ipinangako na gagawin niya ang lahat para maitaas ang sweldo at madagdagan ang benepisyo ng mga tauhan ng militar.

Read more...