Ad interim appointment ni DENR Sec. Cimatu pinagtibay na ng C.A

Inquirer photo

Lusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments ang nominasyon ni dating Gen. Roy Cimatu bilang Environment Secretary.

Sinabi ni Sen. Manny Pacquiao, pinuno ng C.A Committee on Environment and Natural Resources na unanimously approved ang naging kumpirmasyon sa ad interim appointment ni Cimatu.

Kaagad namang nagpasalamat ang kalihim sa kanyang kumpirmasyon.

Sinabi ni Cimatu na hindi niya bibiguin ang pangulo sa ibinigay na pagtitiwala sa kanya para maging ika-16 na kalihim ng kagawaran.

Bago ang kanyang posisyon sa DENR ay nagsilbi rin si Cimatu bilang special envoy ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Middle East.

Naglingkod rin si Cimatu bilang unit commander ng iba’t ibang mga posisyon sa militar bago siyang naging Chief of Staff noong panahon ng Arroyo administration.

Pinalitan ni Cimatu si dating DENR Sec. Gina Lopez na hindi nakalusot sa C.A apat na buwan na ang nakalilipas.

Read more...