Batas na nagpapaliban sa Barangay at SK elections, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapaliban sa Barangay at SK elections ngayong taon.

Sa October 23, 2017 sana nakatakda ang halalan para sa barangay na ilang beses na ring naipagpaliban.

Sa kaniyang post sa twitter, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson, James Jimenez na naipagbigay alam na sa kaniya ang paglagda ng pangulo sa Barangay and SK elections 2017 postponement bill.

Martes ng gabi aniya nilagdaan ng pangulo ang nasabing batas.

Magugunitang noong October 1, pormal nang pinasumilan ng Comelec ang election period para sa Barangay at SK elections na hudyat din ng pagsisimula ng pag-iral ng gun ban.

Itinakda din ng Comelec ang October 5 hanggang October 11 para sa paghahain ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa eleksyon at ang October 12 hanggang October 21 bilang campaign period.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...