Kuha ni Justinne PunsalangKinilala ang unang tatlong naarestong suspek na sina Jaime Vlado, 35 taong gulang; Ricky Galang, 48 taong gulang; at Analyn Flores, 33 taong gulang, na pawang mga residente ng Barangay Tatalon.
Nasabat mula sa mga suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at P500 buy bust money.
Samantala, sa sumunod na ikinasang Anti-Criminality Campaign ng QCPD Station 11, arestado naman ang isang Pope Jaylord Dollente, 33 taong gulang at residente ng Barangay San Martin De Porres sa Cubao.
Si Dollente ay nahuli sa aktong gumagamit ng iligal na droga at nasabat mula dito ang isang plastic sachet na naglaman ng hinihinalang shabu.
Nahuli rin sa hiwalay pa na Anti-Criminality Campaign ng QCPD Station 11 pa rin sa Barangay Doña Imelda ang isang Martin Ramos Dela Rosa, tatlumput isang taong gulang at residente ng Marilao, Bulacan.
Si Dela Rosa ay nahulihan ng isang improvised tube pipe na nakitaan ng residue ng tuyong dahon ng marijuana.
Ayon kay Police Chief Inspector Erwin Guevarra, kakasuhan ang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang mga suspek.
Kasalukuyang nakapiit ang mga arestadong suspek sa detention facility ng QCPD Station 11.