15 Cuban diplomat, pinalalayas na ng Amerika dahil sa ‘sonic attack’

 

Pinalalayas na ng Estados Unidos ang 15 Cuban diplomats sa Amerika matapos ang misteryosong pagkakasakit ng ilang US envoys na nakadestino sa Cuba kamakailan.

May kaugnayan ang desisyon ng Washington sa misteryosong pagkakasakit ng 22 embassy staff sa Havana nitong nakalipas na mga buwan.

Karamihan sa mga ito ay nakaranas ng pananakit ng tenga, hearing loss, pagkahilo at pananakit ng ulo.

Paliwanag ng Washington, isang ‘acoustic device’ ang pinagmulan ng pagkakasakit ng 22 embassy personnel, ngunit hindi naman tuluyang tinukoy sa statement kung anong uri ito ng ‘kagamitan’.

Giit ng Washington, nabigo ang Cuba na maproteksyunan ang kanilang mga kinatawan habang nakadestino sa kanilang bansa na napapaloob sa Vienna Convention.

Kaya’t bilang tugon, binibigyan na lamang ng pitong araw ng Amerika ang Cuban diplomats na lisanin ang Estados Unidos.

Gayunman, giit ng Amerika, mananatili pa rin ang diplomatic relations, ng Amerika sa Cuba.

Read more...