10,000 katao, inilikas dahil sa nadiskubreng World War-II era bomb sa Berlin

 

Aabot sa mahigit 10,000 katao ang lumikas sa kanilang mga tahanan sa Berlin matapos madiskubre ang isang bomba na tinatayang naitanim noong World War II pa.

Natagpuan ang naturang bomba habang isinasagawa ang isang construction work.

Dahil dito, nahinto rin ang operasyon ng mga tren at hinarangan ang mga pangunahing kalsada habang isinasagawa ng mga eksperto ang pagdidifuse sa naturang bomba.

Ang bomba ay inilarawang isang German bomb na may Russian detonator ay may bigat na 250 kilo.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, nasa 60,000 katao rin ang lumikas matapos matagpuan ang isa ring bomba sa Frankfurt.

Ang mga bombang ito at iba pang ammunitions na natatagpuan hanggang sa ngayon ay mga natitirang alaala ng naganap na World War II matapos ang 7 dekada.

Read more...