2 dayuhan, 3 Pinoy sugatan matapos madamay sa ambush sa Negros Occidental

 

Dalawang Swedish nationals at tatlong Pinoy ang sugatan matapos madamay sa pananambang sa mga pulis sa Sitio Sohoton, Bgy. Caliling, Cauayan, Negros Occidental Martes ng hapon.

Base sa ulat ng PNP- Negros Occidental, limang pulis ng Cauyan sa pangunguna ni SPO1 Jeorge Anthony Lorendon ang sakay ng patrol car nang sila ay tambangan ng hindi pa tukoy na armadong grupo.

Gumanti raw ng putok ang mga pulis at pagkatapos ng 15-minutong barilan ay umatras na ang mga ito.

Walang naitalang sugatan sa panig ng mga pulis, pero nadamay naman sa crossfire ang isang Isuzu Crosswind na napadaan lang sa lugar.

Nakilala ang mga sugatang pasahero ng Crosswind na sina Karl Christer Arvidsson at Juliana Palmero, parehong Swedish Nationals.

Sugatan din ang Pilipinong driver ng sasakyan na si Jason Tumayao na nagtamo ng tama sa mukha, sikmura at hita.

Agad namang dinala ang mga sugatang sibilyan sa pinakamalapit na ospital para lapatan ng paunang lunas.

Read more...