Kaso nina Parojinog at Espinosa hindi naisama sa SWS survey ayon sa PNP Chief

Pumalag si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa sa pinakahuling SWS Survey na nagsasabing tatlo sa limang mga Pinoy ang naniniwala na pawang mahihirap lamang ang napapatay sa war on drugs ng pamahalaan.

Pag-amin ni Bato, totoo naman talaga na maraming mahihirap ang namamatay sa kampanya kontra droga, sila raw kasi ang nasa ilalim ng drug pyramid na kinokontrol ng makapangyarihang drug lord.

Pero pagigiit nya, hindi lamang naman maliit na tao ang nabibiktima sa war on drugs kundi mayroon ding ‘big fish’.

Kabilang na anya dito si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. at Ozamis Mayor Reynaldo Parojinog.

Isinagawa ang survey ng SWS noong June 23 hanggang 26, 2017, bago pa man pumutok ang serye ng mga pagpatay sa kabataan na kinabibilangan nina Kian Loyd Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo Kulot de Guzman.

Read more...