Malacañang: Walang Pinoy na napatay o sugatan sa Las Vegas mass shooting

AP

Walang napasamang Pinoy sa hanay ng mga namatay sa pamamaril sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakikiramay ang Malacañang sa mga pamilyang naiwan ng mahigit limampung katao na nasawi sa mass shooting sa Las Vegas City.

Ipinapanalangin din aniya ng Palasyo ang agarang paggaling ng mahigit limang daan katao na nasugatan sa naturang insidente.

Bagaman walang Filipino na nasawi, sinabi ni Abella na inatasan na rin ng Department of Foreign Affairs si Philippine Consulate in Los Angeles Adeleo Angelito Cruz na magtungo sa Las Vegas at alamin ang kalagayan ng mga Pinoy sa nasabing lugar.

Read more...