Stephen Paddock: Milyonaryo, sugarol at anak ng psycho

Las Vagas Metropolitan Police Department

Kinalkal ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang pagkatao ni Stephen Paddock, ang lalaking nasa likod ng pamamaril sa Las Vegas strip na nagresulta sa kamatayan ng 59 katao at pagkasugat ng mahigit sa 500 na iba pa.

Ang 64-anyos na itinuturing ngayon na worst mas murderer sa kasaysayan ng U.S ang isang retiree at walang criminal record sa Nevada county.

Siya ay nakatira sa isang three-bedroom na bahay sa North Las Vegas na kanyang nabili sa halagang $370,000 noong 2015 at doon niya ibinabahay ang kanyang partner na si Marilou Danley.

Sa isang panayam, sinabi ng kanyang kapatid na si Eric Paddock na isang big spender sa casino at karaniwan itong tumanggap ng free accommodation sa mga hotel sa Las Vagas ang napatay na suspek.

May malaki umano itong pera sa bangko at may mga lupaing nakapangalan sa kanya.

Minsan na ring nanalo si Paddock ng $250,000 sa isang high stake video poker pero hindi alam ng kanyang mga kaanak kung may mga pagkakautang ito kaugnay sa kanyang pagsusugal.

Si Paddock ay dating empleyado ng defense contractor na Lockheed Martin at dating nakatira sa Orlando, Florida

Isa rin siyang certified pilot pero expired na ang kanyang lisensya ayon pa sa nakuhang mga impormasyon ng FBI.

Noong 1990 ay diniborsyo niya ang kanyang misis at wala silang anak at mula noon ay hindi na siya muling nagpakasal pa.

Sa mga nakalkal na records ng mga otoridad ay napag-alaman rin na siya ay anak ni Benjamin Hoskins Paddock na isang serial bank robber, psychotic at kabilang sa FBI most-wanted list mula 1969 hanggang 1977.

Si Benjamin Paddock ay namatay noong 1998.

Base sa panayam sa kanyang mga kapitbahay, tahimik umano at loner si Stephen Paddock gayundin ang kanyang partner na si Marilou Danley na ayon sa mga otoridad ay handang makipagtulungan sa kanilang ginagawang imbestigasyon.

Inaalam na rin ng FBI kung saan galing ang mga armas ng suspek na nasa likod ng pamamaril sa mga concert goers sa Las Vagas kahapon.

Read more...