Ayon kay Dela Rosa, kung may totoo man anila na hawak silang mga testigo ay ilabas nila ito, kuhanan ng affidavit at iharap sa Senado.
Paliwang pa nya, mahalaga ang profile ng mga testigo dahil dito madedetermina kung credible ba ito o questionable source.
Inahalimbawa niya dito si PO1 Vincent Tacorda na nagpatunay na may state sponsored killings pero di kinalaunan ay binawi ang kanyang pahayag.
Giit ni Bato, mahalaga ang katotohanan at huwag sanang maglabas ng mga fabricated o gawa gawa lamang na bagay ang mga kalaban.
Matatandaang sinabi ni CBCP Archbishop Socrates Villegas na may mga lumapit sa kanila na pulis at umamin na sangkot sila sa EJK.
Humingi rin daw ng proteksyon sa Simbahan ang mga ito dahil nakokonsensya na sila at nababagabag sa dati nilang gawain.