Piso balik muli sa 51-level kada dolyar

 

Laglag muli sa 51-level ang halaga ng piso kontra dolyar sa pinakahuling trading kahapon.

Sa pagsasara ng trading kahapon, nasa P51.080 ang halaga ng kada isang dolyar o mas mababa ng 26 sentimos mula sa P50.815 kada dolyar na palitan noong Byernes.

Ayon sa ilang mga eksperto sa pananalapi, bumaba ang halaga ng piso sa gitna ng deklarasyon na magsasagawa ng tax cuts ang Amerika.

Bukod dito, inaasahan rin ang pagkakaroon ng rate hike sa US na lalong nagpalakas sa halaga ng dolyar.

Read more...