Simula na ngayong araw ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa magkahiwalay na abiso, inanunsiyo ng Flying V, Shell Petroleum Corp. at Seaoil na papatak sa P 0.25 kada litro ang dagdag na presyo sa gasolina, P 0.55 sa kerosene at P 0.55 naman sa diesel.
Sa Phoenix Petroleum Philippines, tataas ng P 0.25 kada litro ng gasolina at P 0.55 naman sa diesel.
Sa Flying V, naging epektibo ang price adjustment kaninang hatinggabi.
Alas sais ng umaga naman magsisimula ang dagdag-presyo sa Shell, Seoil at Phoenix, UniOil, Eastern Petroleum Corp., at PTT Philippines sa kaparehong araw.
Sa tala ng Department of Energy, naglalaro ang presyo ng diesel mula P 29.85 hanggang P 35.85 kada litro habang mula P 40.80 hanggang P 50.99 naman sa gasolina.