Pinagbawalan na ng Ombudsman si dating Agriculture Secretary at Proceso Alcala na humawak ng anumang puwesto sa gobyerno.
Ang desisyon ng Ombudsman ay resulta ng naging imbestigasyon nito sa dalawang kaso ng grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service na kinaharap ni Alcala noong ito ay bahagi pa ng Aquino administration.
Sa unang kaso na isinampa laban kay Alcala, naakusahan itong nag-divert ng P13.5 milyon sa isang foundation na konektado sa kanyang head executive assistant na si Arnulfo Mañalac.
Dapat sana ay ilalaan ang pondo para sa pagtatayo ng Quezon Corn and Trading ang Processing Center noong 2012.
Ang ikalawang kaso naman ay may kinalaman sa mga doble-dobleng pagbili o repeat order ng DA ng mga water pump na umaabot sa halagang P29.23 milyon noong 2010.
Si Alcala na opisyal ng Liberal Party ay naging Kalihim ng DA noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.