Ayon kay Trillanes, kung hindi kaagad kikilos ang AMLC, ay magsasampa ito ng kaso sa ilalim ng RA 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.
Paliwanag ni Sen. Trillanes, dapat magkaalaman na kung ano ba ang totoo hinggil sa umanoy mga bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pahayag ng senador ay bunsod ng pagtanggi ng AMLC na sila ang nagbigay ng mga bank documents sa Ombudsman na nagpapakita ng bank records ng pangulo mulang 2006 hanggang 2016.
Naniniwala ang mambabatas na tila ipinagtatanggol at pinagtatakpan pa ng AMLC si Duterte sa kanilang mga pahayag.
Giit ni Trillanes, sa halip na mag-issue umano ng mga gayung pahayag, dapat pabilisin ng AMLC ang aksyon upang makita ng taong bayan ang katotohanan sa likod ng mga umano’y tagong yaman ng presidente.