Retraining sa 1,000 Caloocan police, layong gawin silang maka-Diyos, makabayan at makatao ayon kay Dela Rosa

Caloocan police | Jomar Piquero

Maging mas maka-Diyos, mas makabayan, mas makabansa at mas makatao.

Ito ang layunin ng retraining sa mga Caloocan Police na sinibak sa pwesto at sumsailalim sa retraining.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa, gagawin ang retraining dahil mahal nila ang kanilang hanay at ayaw nilang may tuluyang mapariwara sa mga tao nila.

Una nang sinabi ni Dela Rosa na sesentro sa values formation ang pagsasanay sa mahigit 1,000 pulis Caloocan at ito ay tatagal ng 30 hanggang 40 araw.

Nitong Biyernes lamang, sinabon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Albayalde, ang mga pulis mula Caloocan na ni-relieve sa pwesto noong.

Nakipag-face off din ang mga ito sa mga pulis na galing sa Regional Public Safety Batallion ng NCRPO na papalit sa kanila.

Matatandaang nabalot sa kontrebersya ang mga pulis Caloocan makaraan ang pagkakadawit ng ilang pulis sa kanilang hanay sa pagpatay kay Kian Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” De Guzman.

Sinundan pa ito ng panloloob sa isang bahay ng pulis na walang warrant at hindi naka-uniporme na nahuli sa CCTV.

 

 

 

 

Read more...