Biyahe ng MRT, muling nagka-aberya

Nagkaproblema muli sa biyahe ang Metro Rail Transit, Lunes (Oct. 2) ng umaga.

Maagang naperwisyo ang mga pasahero, makaraan silang pababain sa bahagi ng Cubao station Southbound.

Naganap ang aberya alas 6:37 ng umaga at marami na ang mga pasaherong papasok sa kanilang trabaho.

Pinasakay na lang sa kasunod na tren ang mga naapektuhan ng aberya.

Ayon sa MRT, technical problem ang dahilan ng pagpapababa sa mga pasahero at ang nasirang tren ay dinala sa depot para kumpunihin.

Noong Linggo, Oct. 1, lumipas ang maghapon na walang naitalang aberya sa biyahe ng MRT.

Sa buong buwan naman ng Setyembre, limang araw lamang na hindi nakapagtala ng aberya sa MRT, ito ay noong September 5, 10, 17, 21 at 23.

Sa nasabing buwan, noong September 16 may pinakamaraming aberya na naitala sa maghapon na umabot sa walong beses, anim na beses naman noong September 13 at pitong beses noong September 11.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...