Bahagi ng EDSA – Balintawak, anim na oras mawawalan ng kuryente

May nakatakdang power interruption sa bahagi ng EDSA kung saan maaapektuhan ang maraming establisyimento sa EDSA-Balintawak.

Sa abiso ng MERALCO, magsisimula ang power interruption Lunes (Oct. 2) ng alas 11:00 ng gabi hanggang Martes (Oct. 3) alas 5:00 ng umaga.

Apektado ang mga lugar sa bahagi ng Balintawak substation hanggang sa LRT 1 Balintawak station, kabilang ang Puergold Balintawak at Isuzu Inteco sa EDSA na sakop ng mga Barangay Apolonio Samson at Unang Sigaw sa Quezon City.

Ayon sa MERALCO, magsasagawa sila ng relocation at replacement ng kanilang facilities sa bahagi ng EDSA-Balintawak.

Tiniyak naman ng MERALCO, na sisikapin nilang maibalik agad ang suplay ng kuryente sa sandaling matapos ang aktibidad.

 

 

 

 

Read more...