Nagsagawa ng inspeksyon ang Tarlac City Veterinary Office at Tarlac City Police Station sa Victory Uptown Market sa lungsod bilang bahagi ng mas pinaigting na crackdown sa pagkalat ng “botcha o hot meat”.
Aabot sa 111.5 kilo ng botcha na karne ang nakumpiska ng mga awtordidad.
Nanguna sa inspeksyon sina City Veterinary Office head Dr. Julieta Parairo at PO2 Ryan Torales.
Nakuha ang mga sinasabing kilo-kilong botcha sa isang tindahan na may pangalang “John-Len” Store.
Matatandaan na mahigit 100 kilo rin ng hot meat ang nakumpiska sa kaparehong palengle noong Sept. 20.
Nahaharap naman ang may-ari ng tindahan sa kaso ng paglabag sa RA No. 10536 o Meat Inspection Code of the Philippines at irerekomenda ang pagkansela sa business permit nito.
Susunugin ang mga nasamsam na karne at maayos na ididispose ayon kay Parairo.