3 preso nakatakas sa Zamboanga City

 

File photo

Tatlong preso ng Zamboanga City Police Station 9 sa Barangay de Ayala ang nakatakas sa kanilang pagkakakulong Linggo ng madaling-araw.

Nakilala ang mga nakatakas na mga suspek na sina Edric Juaton, at Edie Jalalan, pawang may mga kasong may kinalaman sa droga at isang Ernard Villamor, may kasong attempted homicide.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagawang makatakas ng mga preso sa pamamagitan ng pagputol sa bakal na rehas ng kanilang piitan.

Hinala ng mga otoridad, posibleng tumakas ang mga preso dakong ala-1:00 ng madaling-araw habang nagapatrulya ang mga pulis sa lungsod.

Patuloy ang pagtugis ng mga otoridad sa tatlong pugante.

Read more...