Hindi lalampas sa 40-milyon ang lifetime savings ko – Duterte

 

Pinasinungalingan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alegasyon ng mga nasa oposisyon at iba pang opisyal na mayroon siyang “undeclared wealth’ na aabot sa bilyong piso at 211 milyong pisong deposito sa isang bangko.

Iginiit ng pangulo na hindi lalampas sa 40 milyong piso ang kanyang lifetime savings.

Sinabi rin ni Duterte na ilalabas na sa mga susunod na araw ang detalye ng kanyang savings at tiniyak na ‘accurate’ ang source na pinagkunan nito.

Ayaw niya anyang ibigay ng basta-basta lang ang detalye ng kanyang savings sa kanyang mga kaaway.

Dahil dito muling pinasaringan ni Pangulong Duterte sina Ombudsman Conchita Morales at Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tila anya’y may selective justice lamang.

Hinalintulad ni Duterte ang kanyang sitwasyon sa nangyari kay dating Chief Justice Renato Corona na na na-impeach dahil sa hindi nito pagdedeklara ng yaman sa kanyang statements of assets, liabilities and net worth (SALN).

Ani Duterte, pulitika ang motibo ng mga alegasyon tungkol sa kanyang yaman.

Dahil dito, hinamon ng pangulo sina Morales at Carpio na sabay-sabay silang magbitiw sa pwesto.

Read more...