Ito’y matapos silang mabigong masunod ang deadline na ibinigay ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na October 1.
Una na ring nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na umaasa siyang kayang mawakasan ng mga sundalo ang krisis sa Marawi City sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre ngunit hindi nila ito naisakatuparan.
Paliwanag ni Galvez, mayroon pang nasa 46 na mga bihag ang kailangan nilang sagipin, at dahilan din ang mga ito kung bakit hindi sila basta-basta maka-atake.
Ibinalita naman ni Galvez na sa ngayon ay mas malapitan na ang pakikipagbakbakan nila sa mga miyembro ng Maute Group.
Dahil sa walang humpay nilang pagsalakay nitong mga nagdaang araw, napaliit na rin nila ng hanggang sa laki ng dalawang football fields ang lugar na ginaganapan ng bakbakan.
Ani Galvez, nahihirapan na din sila ngayon dahil sa mga terrain at gusali na komplikadong daanan.