Pangulong Aquino, dumalaw sa rehiyon ng Davao

pnoyNanguna si Pangulong Benigno Aquino III sa isinagawang inagurasyon ng circumferencial road sa Island Garden City of Samal (IGACoS) na isa sa itinuturing na tourists destination sa rehiyon ng Davao.

Sinimulan noong taong 2012 ang proyekto mula sa Department of Tourism (DOT)-Department of Public Works and Highways (DPWH) Convergence Program na may kabuuang budget na P875 milyon.

Ani ng pangulo, lubos niyang ipinagmamalaki ang nasabing programa dahil sa tulong nito upang mapabilis ang byahe ng mga sasakyan sa naturang lugar.

Inaasahan naman na mas dadami pa ang turista na pupunta sa lugar dahil dito.

Dumiretso anamn si Pangulong Aquino sa Teodoro Palma Gil Elementary School pagkatapos ng programa, upang pangunahan naman ang programa sa mga bata.

Sa programang Treevolution of the Young, isa isa ding sinagot ni PNoy ang mga katanungan ng mga mag aaral, ukol sa pagbabago ng klima, kalikasan, at edukasyon.

Matapos nito’y dumiretso naman ang pangulo sa SMX Convention Center sa Lanang para sa programang Gathering of Friends ng mga miyembro ng Liberal Party.

Bagamat may ilang nagpoprotesta, naipatupad naman ang maximum tolerance sa lugar.

Sinabi naman ni Chief Insp. Milgrace Driz, spokesperson ng Davao City Police Office, na naging maayos naman ang kabuuang pagdalaw ng pangulo.

Read more...