UP wagi kontra La Salle

 

uaap
Inquirer file photo

Nakuha ng University of the Philippines Fighting Maroons ang kanilang ikalawang panalo sa pagpapatuloy ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ngayong hapon.

Tinalo ng UP ang De La Salle Green Archers sa score na 71-66 sa Smart Araneta Coliseum.

Bagama’t lamang na sa unang bahagi pa lamang ng laro, nakaalpas sa Fighting Maroons ang 15 puntos na lamang nito sa fourth quarter dahil sa 11-2 na ratsada ng Green Archers.

Gayunman, nakagawa ng sunud sunod na anim na puntos ang UP mula sa foul line na naging dahilan upang makontrol nito ang laro hanggang sa katapusan.

 

 

Read more...