Ilang mga riot police ang pinasok ang mga voting precincts at pinagtataboy ang mga mga botante sa pagsisikap na pigilin ang pagsasagawa ng botohan.
Ang ilan, nasaktan makaraang paputukan ng mga rubber bullet ng mga pulis na nagtangkang pigilin ang botohan para sa independence referendum.
Sa independence referendum, pagbobotohan kung nais ng publiko na tuluyang humiwalay ang Catalonia mula sa Espanya.
Gayunman, sa desisyon ng hukuman sa Spain, idineklarang iligal ang pagsasagawa ng referendum kaya’t tinatangka itong pigilin ng Madrid.
Ang Catalonia ay isang mayamang rehiyon sa northeastern part ng Spain na may sariling regional government.
Gayunman, nais nitong humiwalay sa Espanya na mariing tinututulan ng national government.