Basura ng Canada, dapat ibalik-Senado

 

File photo

Desidido ang Senado na ibalik sa Canada ang mahigit dalawampu’t anim na container van ng basurang itinapon sa Tarlac.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Environment and Natural Resources, sinabi ni Senador Chiz Escudero na nakalalason man o hindi, hindi makatwirang gawing dumping site ang Pilipinas.

“Ang posisyon namin, dapat ibalik ang basura sa pinanggalingan ng basura. Hindi tapunan ng basura ang Pilipinas at dapat huwag nating tanggapin ito. Tinatawagan naming ang interagency committee na nagpasya at nagdesisyon na pahintulutan at payagan na dito na i-dump, itapon at dispose ang basurang hindi atin. Giit ni Escudero.

Maging si Senador JV Ejercito, iginiit na hindi maaring maging tapunan ng basura ang bansa.

Sa susunod na pagdinig, ipinatawag na ng senado ang mga opisyal ng inter-agency committee para ipaliwanag kung sino ang nagdesisyon at paano nakapasok sa Pilipinas ang tone-toneladang basura ng Canada.

Kabilang na rito ang mga opisyal ng Department of Justice, Bureau of Customs, Department of Foreign Affairs at Deaprtment of Environment and Natural Resources.

Paalala ni Escudero, ang Pilipinas at Canada ay kapwa signatory ng Basel Convention kaya maaring pwersahin ng Pilipinas ang naturang bansa na kunin ang anumang itinapong basura.

 

Read more...