Inihain sa Kamara ang House Bill 6022 o ang batas na naglalayong pagmultahin at ikulong ng hindi lalagpas sa anim na taon ang sinumang nagpapakalat at gumagawa ng fake news lalo na sa social media.
Ayon sa may-akda ng panukala na si Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, target nitong itigil na ang pagpapasa ng imbento at nakalilitong mga ulat na pinaniniwalaan ng publiko bilang lehitimong impormasyon.
Sa ilalim din ng bill, bukod sa pagkakalat at pagiimbento ng fake news, parusa din ang katapat ng hindi pagbura ng maling content sakaling mailathala.
Dagdag pa ni Villafuerte, sakaling maipatupad ang batas, makakatulong ito upang maitaguod ang responsableng at makatotohanang pamamahayag.
Sinumang social media user na magkalat ng fake news ay maaaring magbayad ng hindi lalagpas sa 500,000 piso at makulong ng hindi lalagpas sa anim na araw o depende sa antas ng nagawang pagkakamali.
Samantala, ang mga media companies naman na mapapatunayang gumawa ng pekeng balita ay maaaring masuspinde ang operasyon ng hindi lalagpas sa isang buwan at pagmultahin ng hindi lalagpas sa 5 milyong piso.