Kabilang sa mga mayroong unliquidated balances para sa SFP simula noong 2011 hanggang 2016 ay ang mga LGUs ng Maynila (R47,480,494.57), Cebu City (R23,432,816), Iligan City (R20,502,000), Taguig City (R17,639,160), Cagayan de Oro City (R16,938,610), Puerto Prinsesa City (R11,632,933.04), Ayungon in Negros Oriental (R10,992,886.27), Iloilo City (R9,982,720), Antipolo City (R9,751,131,03), at Zamboanga City (R8,565,519. 41).
Ayon kay DSWD officer-in-charge Emmanuel Leyco, sa loob ng nakalipas na anim na taon, maraming LGUs ang hindi ginagampanan ang kanilang trabaho na isumite ang liquidation reports sa DSWD. Kaya naman ipinasa na nila ang report patungkol dito sa Commission on Audit.
Dagdag pa ni Leyco, hindi nagkulang ang kagawaran sa pagpapaalala sa mga LGU na isumite ang kanilang mga liquidation report, ngunit tila hindi ito pinapansin ng mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay Leyco, kailangang isaayos ang pagkukulang ng mga LGUs dahil hindi na maaari pang maglabas ng pondo ang DSWD hanggat walang liquidation reports ang mga ito.