Sa ilalim ng House Bill 6276, nakasaad na ang mga ‘tall growing plants’ ay hindi maaaring humarang sa right-of-way ng mga poste ng kuryente upang masigurado ang patuloy na daloy ng kuryente para sa mga residente sa lugar.
Ipinagbabawal rin sa ilalim ng naturang House Bill ang pagtatayo ng mga ‘hazardous structures’ malapit sa mga poste ng kuryente, maging sa mga pasilidad na nakalaan para sa daloy ng kuryente.
Ibig sabihin, magiging labag na sa batas ang pagpapatubo ng mga matatayog na halaman o puno sa mga lugar na katabi at malapit sa mga poste ng kuryente.
Labag rin sa batas hindi pagputol sa mga matataas na halaman at puno, maging ang hindi pag-giba sa mga itinuturing na ‘hazardous structures.’
Ang mapapatunayang lalabag sa naturang panukala ay pagmumultahin ng hindi bababa sa dalawampung libong piso, hanggang sa hindi tataas sa isandaang libong piso.
Maaari ring makulong ang lalabag sa panukala sa loob ng isa hanggang tatlumpung araw o hanggang sa anim na taon.
Ang naturang House Bill ay inakda ni 1-CARE Partylist Representative Carlos Roman Uybarreta.