Presyo ng LPG at produktong petrolyo, sasalubong sa pagbubukas ng Oktubre

Magkakaroon muli ng pagtataas sa presyo ng liquefied petroleum gas o LPG sa pagbubukas ng Oktubre sa susunod na linggo.

Aabot sa limang piso kada kilo ang madadagdag sa presyo ng LPG sa world market.

Nangangahulugan ito na pagdating sa lokal na merkado ay tataas ng apat na piso kada kilo o kabuuang 44-pesos ang presyo ng LPG.

Ayon kay LPGMA representative Arnel Ty, ang pagtataas ng halaga ng LPG ay bunsod ng dalawang magkasunod na paghagupit ng mga bagyo sa Estados Unidos.

Matatandaang halos limang piso ang nadagdag sa presyo ng LPG noong nakaraang buwan ng Agosto, habang lagpas dalawang piso naman kada kilo ngayong buwan ng Setyembre.

Samantala, asahan naman ang pagtataas ng halaga ng diesel at gasolina sa darating na linggo.

Read more...