Metro Magazine, naglabas ng top 10 list ng best-dressed sa Star Magic Ball

Bukod sa mga artistang dadalo, isa sa mga pinaka-inaabangan kada taon ng publiko ang mga gowns ng mga female artists na dadalo sa Star Magic Ball.

Kaugnay nito, naglabas ang Metro ng top 10 list ng best-dressed sa Star Magic ngayong taon.

Narito ang listahan ng best-dressed ayon sa Metro mula sa ika-sampu pataas:

  1. Erich Gonzales
  2. Miss Universe 2015 Pia Wurtzhbach
  3. Maja Salvador
  4. Jodi Sta. Maria
  5. Maymay Estrata
  6. Kathryn Bernardo
  7. Liza Soberano
  8. Bea Alonzo
  9. Julia Barreto

Matatandaang si Liza Soberano ang nag-top 1 noong nakaraang taon hindi lamang sa magazines kundi sa pulso ng publiko.

Ngayong taon, ayon sa Metro ang best-dressed ay si Kim Chiu suot-suot ang gown na likha ni Michael Leyva.

Samantala, hindi naman magkandamayaw ang Twitter sa dami ng Tweets tungkol sa Star Magic Ball.

Sa katunayan, halos lahat ng naging top trending topic sa Twittter Philippines kagabi ay tungkol sa naturang event.

Read more...