Election period at nationwide checkpoint, sinimulan na ngayong araw

File Photo

Bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa October 23, sinimulan na ng Commission on Elections ngayong araw ang pagsasagawa ng nationwide checkpoints at gun ban.

Samakatuwid, ito rin ang unang araw ng election period.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na sa pagsisimula ng election period ngayong araw ay ipapatulad na ang iba’t ibang prohibitions na may kaugnayan sa magaganap na halalan.

Bukod sa gun ban at checkpoint, ilan pa sa mga pinagbabawal ay:

Ayon kay Jimenez, maaaring magresulta sa pagkakakulong ng hindi lalagpas sa anim na taon, diskwalipikasyon sa paghawak ng pwesto sa gobyerno at hindi na papayagang bumoto ang sinumang lalabag sa mga election-related offenses.

Nagpaalala naman ang Comelec na ang simula ng filing ng Certificates of Candidacy ay sa October 5 at tatagal hanggang October 11.

Samantalang ang campaign period naman ay magsisimula sa October 12 at magtatapos sa October 21.

Sa kasalukuyan, nakabinbin pa ang pinal na desisyon tungkol sa pagpapaliban ng eleksyon na inaasahang lalagdaan agad ng pangulo oras na makarating na sa kaniya.

Read more...