Pinay, dinakip sa Canada dahil sa pagbebenta ng pekeng plane ticket

Mula sa inquirer.net

Inaresto ang isang 38-anyos na Pinay sa Toronto, Canada matapos nito umanong magpanggap na isang travel agent at magbenta ng mga pekeng plane ticket patungong Pilipinas.

Pinangalanan ng Toronto Police ang naarestong Pinay na si Lorna Natalie Arcega, na nahaharap sa 18 kaso kabilang na ang fraud at iligal na paggamit ng credit card.

Nagpapanggap umanong isang travel agent ang suspek na PInay at pinangangakuan ang kanyang mga kliyente ng mababang halaga ng plane ticket patungong Pilipinas ngunit sa oras na magbayad na ang mga ito, ay naglalaho na ang suspek.

Bukod dito, kinukuha rin ni Arcega ang credit card information ng kanyang mga biktima at ginagamit ito ng lingid sa kaaalaman ng may-ari.

Buko sa 18 kaso ng fraud, sasampahan pa ng karagdagang kaso ng Travel Industry of Ontario (TICO) ang Pinay.

 

Read more...